Miss Global Philippines 2014 candidates, bumisita sa Bataan

   LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Personal  na  sinalubong kahapon ng umaga ni  Bataan Gov. Albert S. Garcia ang mga naggagandahang  kandidata ng Miss Global Philippines 2014 na bumisita sa lalawigan para sa kanilang feeding program kasama ang multi-awarded actor/director Cesar Montano sa Bataan Tourism Center.

Tourism office at DepEd, magsasanib pwersa

   LUNGSOD NG BALANGA, Bataan – Magiging katuwang ng Provincial Tourism Office (PTO) ang Department of Education (DepEd) sa isasagawa  nitong cultural mapping  para maghanap ng mga bago at magagandang lugar sa Bataan  na hindi pa nararating at nababalitaan ng iba nating kababayan sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Pagkakatatag ng BPTCFI, pinuri ng DOT

   BALANGA CITY, Bataan – Ang pagkakaroon ng tourism council foundation ang isang mainam na paraan para magtuluy-tuloy ang pag-arangkada ng turismo sa lalawigan. Ito ang pananaw ni Tourism Region 3 Director Ronaldo Tiotuico, kaugnay ng pagkakatatag ng Bataan Peninsula Tourism Council Foundation, Inc. (BPTCFI) kung saan Chairperson ang butihing maybahay ni Bataan 2nd District Congressman Enrique “Tet” Garcia.

Gob. Abet, determinadong sugpuin ang smoke-related deaths

BALANGA CITY, Bataan —   “Smoke-related deaths will continue, unless steps are made by people and governments to at least control the proliferation of tobacco use.”

Ito ang sinabi kahapon ni Bataan Gov. Albert Raymond Garcia sa kanyang welcome address sa mga delegado mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa pagbubukas ng 2nd Smoke-free cities ASEAN regional workshop na ginanap sa The Plaza Hotel sa lungsod  na  ito na inorganisa ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA).

PHO, pipigilan ang pagkalat ng tigdas at polio sa Bataan

BALANGA CITY, Bataan – Target ng Provincial Health Office (PHO) na mabigyan ng bakuna kontra sa tigdas at polio ang 95% o higit pa ng kabuuang bilang ng mga batang nasa edad  5 taon pababa sa buong Bataan kasunod na rin ng isasagawang nationwide Measles/Rubella-Oral Polio Vaccine Mass Immunization (MR-OPV MI) campaign ng Department of Health (DOH) sa buong buwan ng Setyembre.

CCTV’s ikakabit sa Roman Expressway

BALANGA CITY, Bataan —  Plano ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan na maglagay ng mga closed-circuit television (CCTV) camera sa kahabaan ng Roman Expressway bilang paghahanda sa nalalapit na pagdaraos ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa susunod na taon. Ayon kay Metro-Bataan Development Authority (MBDA) chairman Charlie Pizarro, aabot sa kabuuang 108 CCTV cameras […]

Tiyakin munang hindi malalagay sa panganib ang mga residente

MORONG, Bataan  – Iisa ang sentimyento ng  mga residente ng Barangay Nagbalayong sa bayang ito ukol sa plano ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng $2.1-B mothballed Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa isinagawang public consultation ng Department of Energy (DOE) kahapon at ito ay ang katiyakang hindi malalagay sa panganib ang kanilang buhay at kalusugan sakaling muling buhayin ang naturang plantang nukleyar.

Iskolar ng Bayan Act, lusot na sa Senado

Good news sa top 10 graduating public high school students!

Lusot na sa Senado ang panukalang batas na nagkakaloob ng automatic college admission and scholarship sa top 10 high school students na magtatapos sa mga pampublikong paaralan.

Anti-smoking ordinance, ipatutupad sa Pilar

   PILAR,  Bataan – Maghihigpit na ang pamahalaang bayan dito sa kanilang kampanya laban sa paninigarilyo bilang pakikiisa sa adhikain ni Bataan Gov. Albert Garcia na maging “Smoke Free”  ang buong lalawigan.

   Ayon kay Pilar Mayor Alice Pizarro, panahon na para ipatupad ang kanilang anti-smoking ordinance na inaprubahan ng Sangguniang Bayan noon pang 2007, pero sa hindi malinaw na kadahilanan ay hindi seryosong naipatupad.

Exposure ng mga bata sa internet at social media, dapat bantayan — Sen. Marcos

BALANGA CITY, Bataan —    Hindi lamang grades ang dapat bantayan ng mga magulang sa kanilang mga nag-aaral na anak kundi ang madalas na ‘’exposure’’  ng mga ito sa  internet at  social media na maaaring magdala sa kanila sa matinding panganib.

Ito ang sinabi ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Biyernes, bilang panauhing pandangal sa ikalawang-araw ng  6th Annual Education Summit ng Balanga City Government katuwang ang Department of Education (DepEd) na dinaluhan ng libo-libong mga guro, magulang at estudyante.