Balanga City Education Summit 2014

BALANGA CITY, Bataan – Kaugnay ng adhikain ng pamahalaang panlungsod na maging World Class University Town ang Balanga City sa taong 2020, muling pangungunahan ni City Mayor Jose Enrique “Joet” Garcia III ang ika-6 na taong Education Summit bukas (Agosto 7) na gaganapin sa Grand Ballroom ng Lou-is Restaurant, Capitol Drive, Lungsod ng Balanga. Ayon […]

Mariveles, wagi bilang Most PWD-Friendly Municipality

BALANGA CITY, Bataan —  Nagwagi ang bayan ng Mariveles bilang “Most Persons with Disability-Friendly Municipality”  sa kauna-unahang provincial awarding ceremony na idinaos kahapon sa Bataan People’s Center kaugnay ng pagdiriwang ng probinsya sa 36th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na nilahukan ng may 700 katao na may kapansanan. Nakuha naman ng Orion ang ikalawang […]

Bagyong “Glenda” napaghandaan

BAGAC, Bataan —   Natuto na umano sa mga nakaraang kalamidad tulad ng bagyong “Yolanda”  ang mga residente  at opisyal ng bayan ng Bagac kaya mahigpit na nagbantay at naghanda ang mga ito kung kaya’t walang nasaktan dito habang hinahagupit ng bagyong “Glenda.” Ayon kay Bagac town Mayor Ramil del Rosario, iba na ang nakahanda […]

DepEd, school principals, hinamon ni Gov. Garcia

   BALANGA CITY —   Hinamon ni Bataan Governor Albert Raymond Garcia ang Department of Education (DepEd) at ang lahat ng school principals sa lalawigan na itaas ang kanilang performance level  sa pamamagitan ng pag-angat sa kakayahan ng mga batang mag-aaral para manguna sa National Achievement Test (NAT).

Hirit ni Mayor Joet sa tricycle operators: i-upgrade na ang kanilang tricycle

BALANGA CITY, Bataan —   Hinikayat ni City Mayor Jose Enrique “Joet” Garcia III ang mga tricycle operators sa Lungsod na ipa-convert na ang kanilang tricycle upang mabawasan ang matinding polusyon na hatid ng ibinubugang usok ng mga naturang sasakyan.

Ayon kay Garcia, panahon na para i-upgrade ang mga tricycle sa Lungsod at ipa-convert ang mga 2-stroke engine sa four-stroke engine o four-cycle o di-kayaý patakbuhin ang kanilang motorsiklo sa pamamagitan ng liquefied petroleum gas (LPG) imbes na gasolina na malaking tulong din para labanan ang global warming.

Mas mahigpit na batas vs. paninigarilyo, isusulong ni Mayor Joet

BALANGA CITY,  Bataan —-  Hinikayat ni City Mayor Jose Enrique Garcia III ang mga kasapi ng League of Cities of the Philippines (LCP) na magkaroon ng smoking regulation para sa mas mahigpit na implementasyon ng pagbabawal sa paninigarilyo na aniyaý ‘biggest killer’ kung saan 10 Pilipino ang nasasawi kada oras dahil lamang sa paninigarilyo. Sa […]

Anti-noise ordinance ipinatupad sa bayan ng Abucay

ABUCAY, Bataan —-  Upang mapangalagaan ang katahimikan ng pamayanan at ng mamamayan sa bayang ito, pagmumultahin o pagkakakulong  ang ipapataw na kaparusahan sa sinumang  mapapatunayang lumabag sa  anti-noise ordinance  na ipinatutupad sa lahat ng kapaligiran, estero, lansangan at kabahayan sa buong bayan. Batay sa Kautusang Pambayan Blg. 270 na ipinasa ng Sangguniang Bayan (SB)  na […]

Risk ownership seminar idinaos sa bayan ng Pilar

PILAR, Bataan  —-   Kaugnay ng pagdiriwang ng National Disaster Consciousness month, sinimulan ng lokal na pamahalaan ng bayang ito ang pagdaraos ng isang Risk Ownership Seminar na tutukoy sa mga kabahayan na malapit sa dagat at ilog  o mga residente ng bawat barangay na kailangang sagipin sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Pilar Mayor Alice Pizarro, ang nasabing seminar na pinangunahan ni Engr. Hazel de Guzman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ay bilang pagtugon sa tema ng national disaster consciousness month na ipinagdiriwang ngayong buong buwan ng Hulyo na “Kahandaan at kaligtasan ng pamayanan, pundasyon ng kaunlaran.”

Anti-drug summit

BALANGA CITY, Bataan  —   Hinikayat ni City Mayor  Jose Enrique Garcia III ang  publiko na makipagtulungan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsasabi ng kanilang nalalaman ukol sa mga illegal drug activities sa kanilang lugar upang masugpo ang lumalalang problema sa droga.

Sa ginanap na joint anti-drug summit ng lokal na pamahalaan ng Balanga at pamahalaang panlalawigan ng Bataan, sinabi ni Garcia na mabigat na problema ang pagpigil sa paggamit ng iligal na gamot subalit kung ang lahat ay magtutulungan ay posible itong masolusyonan.

“Madalas kasi na pagdating sa isyu ng droga nahihiya tayong pag-usapan o natatakot tayong bigyan ito ng pansin.  Imbes na itago natin ang ating nalalaman, mas mabuti kung ilalantad natin ito para masolusyonan at makatulong sa isasagawang barangay clearing operations,”  ani pa nito.

Joint anti-drug summit idaraos ng Lungsod ng Balanga at Probinsya ng Bataan

BALANGA CITY, Bataan —-  Pursigido ang lokal na pamahalaan ng Balanga na tuldukan na ang perwisyong idinudulot ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot kaya isang anti-drug summit na pangungunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isasagawa dito bukas (Hunyo 27) katuwang ang pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay City Mayor Jose Enrique Garcia III, tulad ng ibang lungsod at bayan, ang patuloy na lumalalang problema sa iligal na droga ang malaking hadlang para maging maayos ang kalidad ng pamumuhay sa isang komunidad kaya naman isinulong nito ang joint anti-drug summit ng Balanga City at ng probinsya ng Bataan upang tuluyang mapuksa ang perwisyo at panganib ng droga sa lungsod at sa buong probinsya.