Kahit walang PDAF: Libreng matrikula sa kolehiyo, tuloy pa rin

BALANGA CITY, Bataan —-  Tiniyak ni Bataan 2nd District Representative Enrique “Tet” Garcia na hindi na kailangan pang mag-alala ang mga kabataan sa lalawigan na gustong  makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo dahil tuloy pa rin ang libreng matrikula sa mga ito at inaasahang madaragdagan pa ang kanilang tinatanggap na allowance. Ayon kay  Garcia, hindi magiging […]

Provincial Housing Board itatatag kontra pagdami ng iskwater

   BALANGA CITY,  Bataan  —  Nakatakdang talakayin bukas (Hunyo 6) ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang panukalang pagbuo ng Provincial Housing Board para matugunan ang isyu ukol sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga iskwater sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan.

Bataan disaster preparedness summit

BALANGA CITY,  Bataan —  Nagkaisa kaninang umaga ang mga local chief executives ng Bataan para sa pagbuo ng isang local disaster risk reduction management program para sa mabilis na pagtugon at paghahanda sa kalamidad sa unang araw ng isinagawang 2-day Provincial Summit on Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa Crown Royale Hotel dito.

Ayon kay  Region 3 Director Josefina Timoteo, ng Office of Civil Defense (OCD) at Chairperson ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC), ang  Bataan ang kauna-unahang probinsya na nagsagawa ng provincial summit bilang tugon sa direktiba ni NDRRMC Chairperson at  Defense Secretary Voltaire Gazmin para palakasin ang papel at responsibilidad ng mga local chief executives upang maging epektibo at mapahusay ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan partikular na sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Brigada Eskwela ng DepEd, nakatuon sa paghahanda sa kalamidad

BALANGA CITY, Bataan —  Target ng Department of Education (DepEd) sa kanilang pagsisimula ng taunang Brigada Eskwela ngayong Lunes na maging handa at ligtas sa anumang uri ng kalamidad at sakuna ang mga pampublikong paaralan na karaniwang ginagamit bilang mga evacuation centers.

Pangunahing tema ng 11th Annual National Schools Maintenance Week o Brigada Eskwela ang “Disaster risk reduction, preparedness and safety in schools,” kung saan kasama sa kanilang isang linggong aktibidad ang itaas ang kaalaman ng  school communities ukol sa climate change at mga panganib na dala nito at magpatupad ng isang sistema o mga dapat gawin at sundin sa panahon ng kalamidad at emergency cases.

P1-M target ng DTI sa 3-day Balik-Eskwela Diskwento Caravan

   BALANGA CITY, Bataan – Pormal na binuksan kahapon ng umaga  ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang 3-day Balik-Eskwela Diskwento caravan sa Plaza Mayor de Balanga kung saan makabibili ng mas mura at de-kalidad na gamit pang-eskwela ang mga mamimili bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.

Tagisan ng talento ng mga nanay sa Mother’s Day

   BALANGA CITY, Bataan  –  Magtatagisan ng talento ang lahat ng mga nanay na empleyado ng Balanga City Hall bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day at pagpupugay sa mga working mothers ng Lungsod.

   May temang “Haplos, Pagkilala sa mga World-class na Moms,” sinabi ni Cristina Apostol, pinuno ng City Human Resource Management Office (CHRMO), na isasagawa nila ang pagdiriwang ng Mother’s Day sa Mayo 16 sa Emiliana Hall dito sa lungsod sa ganap na ala una hanggang alas singko ng hapon kung saan kabilang sa kanilang inimbitahan si Bataan Gov. Albert Garcia para personal na batiin ang mga kalahok sa naturang talent showcase at magbigay inspirasyon sa mga nanay.

Mga katutubo sa Bataan, may kinatawan na sa SP

   BALANGA CITY, Bataan —  Magkakaroon na ng kinatawan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Bataan ang mga katutubo sa lalawigan kasunod na rin ng pag-apruba  ni Gov. Albert Garcia para sa pagbuo ng sectoral representative at paglalaan ng pondo para dito. 

   Nabatid na pormal na nanumpa kahapon sa harap ni Gov. Garcia si Danilo Salonga, miyembro ng Ayta-Magbukon Tribe sa Brgy. Duale, Limay bilang ex-officio member na kakatawan sa Indigenous Peoples/Indigenous Cultural Communities (IPs/ICCs) sa Provincial Council.

Balanga Food Festival, dinagsa

BALANGA CITY, Bataan —-  Bilang bahagi ng adbokasiya ng pamahalaang panlungsod na itaguyod ang  healthy lifestyle para sa mga Balangueño,  idinaos nito ang kauna-unahang Masaganang Fiesta Food Festival sa Plaza Mayor de Balanga kung saan mga produkto ng organic farming ang pwedeng bilhin at kainin sa gitna ng nasabing kasiyahan. Ayon kay City Mayor Joet […]

Sabay sa kanyang canonization sa April 27: Misa para kay Blessed John Paul II, idadaos sa Morong, Bataan

BALANGA CITY, Bataan  —-   Kasabay ng nakatakdang canonization ni Blessed John Paul II at John XXIII sa darating na Linggo (Abril 27), magdaraos naman ng isang misa na pangungunahan ni Bishop Ruperto C. Santos ng Balanga Diocese, mga opisyal ng lalawigan at mga mananampalatayang Katoliko sa Pope John Paul II Memorial Shrine sa bayan ng Morong.