News

Balanga, nagkamit ng Manila BAYani Award

0

Ginawaran noong ika-26 ng Marso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Panlungsod ng Balanga ng pagkilala bilang Regional Winner sa City Category sa programang Manila BAYani Awards and Incentives 2020 sa buong Central Luzon.

Ang Lungsod ng Balanga ay nakatanggap ng halagang Php300,000 at sertipiko ng pagkilala dahil sa kanilang walang sawang pangangalaga sa kalikasan, kapaligiran at maging mga kailugan.
Dahil dito pinasalamatan ni City Mayor Francis Anthony Garcia, ang DILG operations team at ang mga bumubuo ng City Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Ms. Nerissa Mateo.

Ayon kay Mayor Francis, sa loob ng limang taon ang Pamahalaang Panlungsod ng Balanga ay consistent awardee at top performing LGU kaya ang kanilang natanggap na pagkilala ay bunga ng pakikiisa at aktibong pakikilahok ng kanilang mga kababayan. “Ito ang resulta ng masikap na pag-aaral ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod upang masuportahan ng kaukulang ordinansa, ang mga polisiya sa mga proyekto at programang ipinatutupad”, ani pa ni City Mayor Francis.

UNC Bataan, tuloy ang expansion sa TVL courses

Previous article

Dulay leads opening of new Bataan BIR office

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News