banner

Biyaheng Ambisyon kina Lolo at Lola, sinimulan na

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

Isa sa pinakamagandang regalo na nais ni Mayor Aida Macalinao ng bayan ng Samal para sa kanyang Kaarawan ngayong buwan ng mga puso ay ang pagkalinga sa mga lolo at lola sa buong bayan ng Samal, na maihatid sa kanilang lahat ng personal ang mga pangangailangan nila tulad ng medical check up, mga gamot at tulong pinansyal.

Ang Biyaheng Ambisyon para kina lolo at lola ay ang paghahatid ng pangunahing serbisyo ng DSWD kasama ang buong Samal Health office at si Cong. Geraldine sa pagbibigay ng tulong tulad ng medical assistance,check up at mga gamot na kailangan ng ating mga nakatatanda.

Gayundin ang pag-aabot ng dagdag na P50,000 (pwera pa ang ibibigay ng DSWD na P100, 000.00) sa ating mga lolo at lola na may idad na 100 at P5,000. naman para sa ating mga lolo at lola na umabot sa idad na 90 hanggang 99 taong gulang. Tiniyak din ni Mayor Aida na ang lahat ng matatanda ay ma-check up at mabigyan ng kinakailangang gamot.

Ang nasabing programa bago sinimulan ang aksyon at malasakit ay inayos at in-update muna ng MHO at DSWD ang listahan ng mga pangalan ng lahat ng senior citizens sa bayan ng Samal bago sinimulan kahapon Feb. 11 sa mga barangay ng Sapa, East at West Calaguiman ang pagbisita ng buong pwersa ng Health team at DSWD staff ang mga matatanda na halos maluha sa tuwa ng bisitahin sila sa sarili nilang lugar/tahanan. Magpapatuloy ang programa hanggang sa Pebrero 28 para maserbisyuhan ang iba pang barangay.

Article Categories:
Health · News · Social Welfare

Comments are closed.

Shares