COVID-UPDATE: OCTOBER 31, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-31 ng Oktubre, umabot na po sa 2,816 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, sampu (10) ang mga bagong nakarecover at 245 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na sampu (10) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 17 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
2. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Abucay
3. Isang 52 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
4. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Hermosa
5. Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
6. Isang 46 na taong gulang na babae mula sa Orani
7. Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Samal
8. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Samal
9. Isang 33 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
10. Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
11. Isang 22 taong gulang na babae mula sa Abucay
12. Isang 21 taong gulang na babae mula sa Mariveles
13. Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
14. Isang 60 taong gulang na babae mula sa Samal
15. Isang 31 taong gulang na babaeng health worker mula sa Samal

Sa kabuuan, umabot na po sa 2,552 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 64 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
2. Isang 24 na taong gulang na babae mula sa Limay
3. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Mariveles
4. Isang 62 taong gulang na babae mula sa Mariveles
5. Isang 7 taong gulang na babae mula sa Mariveles
6. Isang 64 na taong gulang na lalaki mula sa Orani
7. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Orani
8. Isang 28 taong gulang na babae mula sa Orani
9. Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Orani
10. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Samal

Umabot naman sa limampu’t apat (54) ang pumanaw na; ang bagong kaso ng pumanaw ay ang 60 taong gulang na babae mula sa Samal. Ang kabuuang bilang ng active cases ay 210 at lahat sila ay naka isolate na; 281 ang naghihintay ng resulta ng test; 26,335 ang nagnegatibo na at 260 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 29,432 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan

Leave a comment