banner

‘Dapat lahat nakarehistro sa Konsulta Package’

Written by
  • Greg R.
  • 1 year ago

Lahat ng Bataeno dapat nakarehistro sa “Konsulta Package” ng Philhealth para sa kalusugan. Ito ang sinabi ni Bataan Gov. Joet Garcia sa Health Summit 2023 na ginanap sa Peoples Center nitong Martes.

Sa kasalukuyan, mahigit 200,000 na ang naka rehistro sa “Konsulta Package” program ng Bataan.

“Target natin na lahat ng ating mamamayan sa Bataan ay marehistro sa naturang programa para po tayo magkaroon ng access sa free medicine, free laboratory, at iba pang mga check up,” pahayag ng gobernador.

Dahil dito, binigyang pagpapahalaga ni Gov. Joet ang tungkulin ng local government unit (LGU) sa pamamagitan ng orientation sa paggamit ng digital app sa pamamagitan ng electronic medical roll out upang mapabilis ang pagrehistro.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares