banner

FIBA, hangad na makasama sa GAP ng Bataan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Hangad ng pamunuan ng BPSU Abucay Campus na masama ang Farmer Innovators of Bataan Association (FIBA) na mairehistro ito sa Good Agricultural Practices (GAP) sa lalawigan ng Bataan.
Ito ang ipinahayag ni Dr. Rina Paguia, Project Leader ng BPSU Abucay sa isinagawang Record Keeping Seminar sa BPSU Abucay Campus nitong nakaraang Biyernes, ika-7 ng Setyembre. Sept. 7, 2018.
Ayon kay Dr. Paguia ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng FIBA ay handang handa nang mapabilang sa GAP dahil limang beses na silang nagsasagawa ng training hinggil sa pagtatanim ng mga gulay, paggawa ng pesticide gamit ang mga halaman na nakapaligid sa kanilang bukid, paggawa ng organic, vermi culture, pagtatanim ng mushroom at paggawa ng pataba.
Sinabi pa ni Dr. Paguia na kung sakaling magtagumpay ang mga proyektong ito ng FIBA pangalawa sila na mairerehistro bilang isang GAP sa Lalawigan dahil nauna nang mairestro ang Farmers Mango Production sa Bataan.
Ipinaliwanag pa ni Paguia na kapag miyembro ka na ng GAP lahat ng iyaangkat mong gulay sa iyong sakahan ay certified vegetables dahil gumagamit ka ng pesticide, organic o compost material sa iyong mga pananim.
Hangad ng BPSU Abucay Campus na maging Good Agricultural Practices ang lahat ng mga magsasaka sa buong lalawigan ng Bataan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares