Ipinagmalaki ni Congresswoman Gila Garcia na ang Ikatlong Distrito ang kauna-unahang distrito sa buong Rehiyon 3 na nakatanggap ng tulong mula sa Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) sa pangunguna ng Dept. of Agriculture Region 3.
Sinabi ni Cong. Gila na naging matagumpay ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa rice and corn farmers sa apat na bayan ng Ikatlong Distrito.
Layunin ng programa na makapagbigay ng agarang tulong-pinasnyal sa ating mga magsasaka at mangingisda para maibsan ang epekto ng pagtaas ng gastusin sa produksyon kaakibat ng krisis sa bansa.
Pinasalamatan ni Cong. Gila si Regional Executive Director Eduardo Lapuz na personal na bumisita sa payout site sa bayan ng Dinalupihan, gayundin sa APCO Region 3, Provincial Agriculturist at mga Municipal Agriculturists sa apat na bayan.