Sumulat na ang League of Provinces sa kinauukulan upang linawin ang issue ukol sa devolution o paglilipat ng tungkulin ng ilang ahensiyang nasyonal sa mga lokal na pamahalaan.
Ito ang napag-alaman kay Bataan Gov. Joet Garcia sa pulong-balitaan kamakailan, kung saan sinabi nito na nasa P300 milyon ang mawawala sa pamahalaang panlalawigan dahil sa devolution.
Sa ilalim ng Mandanas-Garcia Law, magkakaroon ng bahagi ang mga yunit pamahalaang lokal (LGUs) sa koleksyon ng Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at iba pa.
Subalit sa Supreme Court ruling, sinabi nito na ipalalabas lamang ang pondo ng pamahalaang nasyonal para sa devolution ng ilang ahensiya.
“Nagkaroon nga ng konting dagdag, nagkaroon naman ng devolution,” Garcia laments.
(There was a sort of windfall, but there’s this devolution.) “Hindi dapat ma-devolve ang ibang function,” the governor added.