banner

Kapis Festival, tampok sa ika-378 taong anibersaryo ng Samal

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Naging tampok ang produktong kapis na mula sa bayan ng Samal bilang sentro ng pagdiriwang sa Kapis Festival 2019 na may temang, “Pamana ng Kasaysayan, Liwanag ng Samal”.
Limang naggagandahang karosa na may iba’t ibang disenyo at palamuting kapis ang nagparada sa mga pangunahing barangay ng Samal, mula sa 14 na barangay na iginrupo sa 5 clustered barangays kasama na rito ang 5 grupo din ng mga street dancers.

Ayon kay Mayor Gene dela Fuente, ang float at street dancing competition ay
ay binuksan sa SK Council sa tulong ng kani-kanilang mga punong barangay. bilang suporta sa mga kabataan na ipakita ang kanilang mga talento na tinulungan naman ng pamahalaang lokal ng 25k bawat clustered barangay.

Lumabas ang pagkamalikhain at kakayahan ng mga kabataang nagdisenyo at gumawa ng konsepto ng mga ipinaradang karosa gayundin ang makukulay na costume at performances ng mga street dancers na base pa rin sa temang, “Pamana ng kasaysayan, liwanag ng bayan ng Samal”.
Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ni Mayor Gene na kung noong araw, ang bayan ng Samal ay minsan nang binalot ng dilim at mga hamon, subali’t sa paglipas ng panahon ay nanatiling matatag, na kung noon ay dating larawan ng rebelyon, sa ngayon ay isa ng inspirasyon, isa ng bayang maunlad,malaya, masagana at progresibo.
Nagpasalamat si Mayor Gene dela Fuente sa mga mamamayan sa patuloy na suportang ipinakikita sa kanya ng mga ito sa loob ng 9 na taong paglilingkod, na sa kanilang pagkakaisa at pagtutulungan ay maunlad at masagana na ang bayan ng Samal.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares