banner

Legacy project ni Mayora Gila

Written by
  • Greg R.
  • 2 years ago

Isang maituturing na legacy project ni Mayor Gila Garcia ang multi-million peso evacuation center sa Barangay, Colo, Dinalupihan, Bataan.

Sinasabing isa sa mga magaganda at matitibay na evacuation centers ang ipinatayo ng outgoing mayor sa pakikipagtulungan ng National Disaster Risk Reduction Management Council at Department of Public Works and Highways.

Sinabi ng bagong halal na congresswoman ng bagong-tatag na Ikatlong Distrito ng Bataan na ang gusali ay mapapakinabangan nang lahat ng taga-Dinalupihan sa oras ng mga sakuna gaya ng bagyo at pagbaha, landslide, sunog at lindol.

Sa blessing at inagurasyon ng evacuation center noong nakaraang Sabado, pinasalamatan ni Mayora Garcia ang mga kawani ng ibat-ibang ahensiya ng lokal at pambansang pamahalaan lalung-lalo na ang NDRRMC at PDRRMO “sa kanilang walang sawang suporta.”

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares