banner

Lumang munisipyo ng Abucay pagagandahin

Written by
  • Greg R.
  • 2 months ago

Aayusin, lilinisin at pipinturahan ang dating gusali ng Pamahalaang Bayan ng Abucay.

Sinabi ni Abucay Mayor Robin Tagle na sa lumang munisipyo ilalagay ang annex office ng Philippine National Police (PNP), ang data center, municipal disaster risk reduction management council (MDRRMC), Command Center, satellite office ng National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang opisina na may kinalaman sa pangangalaga ng kapayapaan at kaayusan (peace and order).

Sa ngayon ipinag-utos na ng alkalde ang rehabilitasyon ng dating gusali ng pamahalaan ng Abucay upang mailipat at magamit na ng ilang ahensya.

Pinulong na rin umano ni Mayor Tagle ang local peace and order council upang maisaayos ang pagpapatupad ng mga ordenansa sa pangangalaga ng kapaligiran at kampanya laban sa droga.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares