AgricultureNews

Mandatory testing ng baboy, kailangan

0

Napapanahon nang magkaroon ng mandatory testing ng dugo ng baboy na aalagaan ng sinumang residente ng Bataan sa gitna ng pagdami ng kaso ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi kamakailan ni Dr. Albert Venturina, provincial veterinarian, na dapat nang magpasa ng ordenansa ang mga local government units (LGUs) na kung saan inaatasan ang lahat ng magbababoy sa lalawigan na ipasuri sa awtoridad ang dugo ng kanilang alagang baboy upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Ang pahayag ay ginawa ni Venturina sa Dinalupihan kamakailan kung saan namahagi si Mayor Gila Garcia ng financial support bilang bahagi ng indemnification program ng Department of Agriculture sa mga backyard at commercial hog raisers na naapektuhan ng ASF outbreak.
Ayon pa kay Venturina, ang ASF ay kumalat dahil sa ilang tiwaling negosyante na dumarayo sa iba’t-ibang lalawigan ng Gitnang Luzon at nagbebenta ng murang baboy na AFS-infected.
Sinabi pa ni Venturina na sa bayan ng Bagac ay nakilala na at iniimbestigahan ang negosyanteng nagbenta ng baboy na may ASF virus.

COVID-UPDATE: OCTOBER 6, 2020

Previous article

Pamilihang bayan ng Mariveles, bukas na

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Agriculture