Orani Tricycle Sumbungan Hotline bukas na

Matapos maipamahagi ang mga kopya ng bagong tricycle fare matrix (taripa) sa mga drivers ng mga namamasadang tricycle sa bayan ng Orani, inasahan na ni Mayor Jon Arizapa na marami sa umpisa ang hindi magkakaunawaan, kung kaya’t minabuti niya na magkaroon ng Orani Tricycle Sumbungan Hotline.

 

Una, kinakailangan na nakasabit o nakalagay sa loob ng tricycle ang laminated na kopya ng taripa na malinaw na makikita ng mga pasahero, ito ang magiging basehan ng driver at pasahero sa tamang pasahe.

 

Kung mayroong mga pasaway na drivers o may ibang sumbong hinggil sa mga kolorum na tricycles, mga sobrang maningil na drivers, o iba pang nais isumbong ng mga tao hinggil sa mga namamasadang tricycles ay agad itong maaaksyunan sa Orani Tricycle Sumbungan Hotline, na siyang tatanggap nang lahat ng reklamo.

 

Pinakiusapan din ni Mayor Jon ang mga tao na hangga’t maaari ay kuhanan ng litrato ang unit/plate number ng inirereklamong tricycle para ito ay agad na matukoy.

 

Panghuli, sana umano ay magtulungan ang lahat para masiguro na ligtas, patas at tama ang pasahe para sa mga taga-Orani.

Leave a comment