banner

Koleksyon mula sa buwis, tataas

Written by
  • Jonie L. C.
  • 5 years ago

PILAR, Bataan – Agresibo ang Tanggapan ng Ingat-Yaman ng Pilar na mapataas pa ang kanilang koleksyon ngayong taon.

Ayon kay Fe Sagre, Ingat-Yaman ng bayang ito, hindi sila tumitigil sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tanggapan sa loob ng munisipalidad upang maabot ang kanilang target na koleksyon ngayong taon.

Kaugnay nito, bumuo si Pilar Mayor Alice Pizarro ng isang team na kinabibilangan ng Licensing Office, Assessor’s Office, Treasurer’s Office at iba pang tanggapan na siyang laging mag-papaalala kung sino sa mga taxpayers ang hindi pa bayad.

Idinagdag pa ni Sagre na tumaas ang naging koleksyon nila nitong 2016 dahil sa isinagawang tax mapping ng Municipal Assessor’s Office dahil nakita dito ang mga hindi pa nagbabayad ng Real Property Tax at Business Tax kung kaya’t pinursige pa ng Treasurer’s Office na ang mga ito ay makabayad ng kanilang obligasyon.

Dahil dito inaasahan ni Sagre na malalampasan nila ang kanilang target na koleksyon ngayong 2017 lalo na at patuloy na dumarami ang mga mamumuhunan na pumapasok at nagtatayo ng kanilang negosyo sa Pilar.

Article Tags:
·
Article Categories:
Municipalities · News

Comments are closed.

Shares