LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Maagang naipamahagi sa mga magsasaka ang Christmas pagkage sa idinaos na Farm Family Day noong ika- 10 ng Disyembre sa Plaza Mayor de Balanga.
Ayon kay City Agriculturist at Environment and Natural Resources Officer Nerissa Mateo, taon taon na nilang ginaganap ang ganitong programa para patatagin ang relasyon ng mga magsasaka at mga opisyal ng Lokal ng Pamahalaan.
Si City Mayor Francis naman ay nagagalak sa pakikilahok at suporta ng mga magsasaka sa lahat kanilang mga programang pang-agrikultura.
Natuwa din si dating Board Member Gaudencio Ferrer, dahil sa Balanga lamang niya nakikitang agresibo ang mga magsasaka sa mga proyektong ipinatutupad ng kanilang Punong Lungsod.
Ipinamalas ng mga kawani ng City Agriculture, at mga magsasaka ang kanilang inihandang mga sayaw na may temang “Oldies but Goodies”.
Sa galak ni Mayor Francis, dinagdagan pa niya ang mga nakahandang papremyo para sa paraffle na ikinatuwa ng mga magsasaka.
Si Gob. Abet naman ay nagpamahagi ng mahigit na 350 Christmas packages sa lahat ng mga magsasaka bilang ala-ala sa nalalapit na Kapaskuhan.
Article Categories:
Works - Social Welfare