banner

PMajor General Benjamin Silo Jr., Pride of Bataan

Written by
PMajor General Benjamin Silo Jr., Pride of Bataan
  • Zeny S.
  • 7 months ago

Isa na namang “Pride of Bataan” ang masasama sa kasaysayan ng Lalawigan matapos tumaas ang ranggo ni PBGen Benjie Silo Jr, sa Police Major General, na kauna unahang pulis-Bataeño na naabot ang nasabing mataas na posisyon sa Phil. National Police (PNP).

Sa komunikasyong ipinadala ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr, si PMajor General Silo ay inindorso ng Chaiperson ng Civil Sevice Commission base sa rekomendasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) dahil na rin sa napakagandang record at perfomance nito simula pa sa pagiging PNP Provincial Director sa lalawigan ng Bataan, kung saan sa kanyang termino, nakuha ng lalawigan ang, “First Drug-free Province” sa buong bansa.

Nang madestino naman siya bilang Regional Director ng PPO 11 sa Davao City, ang performance nito ay umangat sa pangatlong pwesto sa loob lamang ng 3 buwan hanggang sa ito ay tanghaling Best PNP Regional Office. Bilang hepe ng Civil Security Group (CSG) ay nagawa niyang magkaroon ng magandang programa at sistema sa pagrerehistro ng mga baril.

Isang araw matapos matanggap ang appointment ay kaagad nagkaroon ng Oathtaking at Donning of Ranks Ceremony sa Camp Crame, kung saan si PGen Benjamin Acorda Jr, Chief ng Phil. National Police ang Administering Officer. Sa appointment ni PMajor Silo na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ay nakasaad dito na sana ay maging inspirasyon sa kanila ang pagtaas ng ranggo, ” To work harder despite the travails of public service” kasabay ang pagsusulong sa PNP Motto, ” To Serve and Protect” para sa seguridad ng mga mamamayan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Peace & Order

Leave a Reply

Shares