Upang mapagtibay ang paggabay sa kabataan sa gitna ng iba’t-ibang hamon na kanilang kinakaharap, nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa pamumuno ni Mayor Anne Inton, ng isang talakayan tungkol sa Adolescent Health and Development Program at Responsible Parenting.
Ayon kay Mayor Anne Inton layunin ng programa na bigyan pa ng dagdag na kaalaman ang mga magulang sa tamang paghubog sa mga kabataan mula sa pisikal, emosyonal at maging sa sosyal na aspeto para maging handa sila sa mga pagsubok sa makabagong panahon.
Kasama rin sa programa sina District Population Officer Ariane Talamon, Population Program Worker Daisy Lou de Guzman at Hermosa designated Local Population Officer Orlan David.