banner

Sen. Pacquiao, bumida sa Executive Game ng MPBL

Written by
Sen. Pacquiao, bumida sa Executive Game ng MPBL
  • Zeny S.
  • 5 months ago

Noong Sabado ay ginanap dito sa Bataan People’s Center ang All Stars Game ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kung saan ay lumaro sa Executive Game ang Pambansang Kamao na siya ring founder ng MPBL

Ang executive game ay nilahukan ng mga kilalang negosyante, mga dating coaches at players ng basketball at mga opisyal. Ang ating Pusong Pinoy Partylist Representativ Jette Nisay ay kabilang sa All Star North Executives samantalang nangunguna naman sa All Star South Executives, si Sen. Manny Pacquiao. Sa huli ay naipanalo ng All Star South Executives ang laro sa score na 114 laban sa 63 pts ng All Star North Executives at napili pang MVP si Senator Pacquiao.

Sa naunang panayam kay Sen. Pacquiao, nagpasalamat siya sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa MPBL. Nakatataba naman ng puso ang maraming nakapansin sa iginanda ng Peoples Center ayon kay Coach Emer Oreta, na talaga umanong pinaghandaan kung kaya’t nagpasalamat kay Gov. Garcia, gayundin naman ang mga sports anchor na nagsabing ngayon lang sila nakakita ng napakahabang LED lights na nakapaligid sa loob ng stadium.

Sa panayam kay Gov. Joet Garcia, natutuwa umano siya sa pagdating ni Senator Pacquiao gayundin hinikayat ang mga Bataeños na tutukan ang mga laro sa MPBL at suportahan ang Bataan Risers.

Article Tags:
· · ·
Article Categories:
Sports

Leave a Reply

Shares