banner

Senior citizens at PWDs ikokonsidera na sa mga job openings sa Bataan

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 weeks ago

Ipinasa na ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan ang kanilang unang ordenansa para sa taong 2023 na naglalayong tugunan ang mga alalahanin at pangangailangan ng mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa lumalaking workforce requirements ng lalawigan.

Ang “Bataan Senior Citizens and PWDs Workforce Integration Ordinance”, na inakda at itinaguyod nina Provincial Board Members Jomar Gaza at Noel Joseph Valdecanas, ay ginagawang ilegal o labag sa batas para sa mga pribadong negosyo at ahensya ng gobyerno na tanggihan ang mga senior citizens at PWDs na physically at mentally fit para sa trabahong kanilang inaaplayan, batay lamang sa kanilang edad o kapansanan.

Nakasaad sa ordenansa na inaprubahan ni Bataan Governor Joet Garcia nitong Enero 23, 2023, na magbibigay ng suporta ang gobyerno para sa pagpapabuti ng pangkalahatang kapakanan ng mga senior citizens at PWDs at ang kanilang buong partisipasyon sa lipunan sa pamamagitan ng mga training programs at capacity-building activities.

Ayon naman kay Vice Governor Cris Garcia, pormal ding kinikilala ng ordenansa ang pagsunod ng mga tanggapang pribado at pampubliko at nagbibigay ng mga kinakailangang insentibo na itinakda ng isang grupo na binubuo ng Office of Senior Citizens Affairs, Provincial Social Welfare and Development Office, Public Employment Service Office, at Provincial Legal Office. Sinusuportahan din ng ordenansa ang mga umiiral na batas gaya ng Senior Citizens Act, Expanded Senior Citizens Act of 2010, Anti-Age Discrimination in Employment Act, Magna Carta para sa PWDs, at Act Expanding the Benefits and Privileges of PWDs.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares