banner

SM Management, nais i-extend DTI Likha Exhibit

Written by
  • Zeny S.
  • 1 month ago

Ito ang naging pahayag ng SM Central Olongapo City kaugnay ng Hybrid Likha ng Central Luzon Trade Fair na binuksan noong nakaraang linggo upang ipakita ang mga mahuhusay na produktong gawa sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Ayon sa kinatawan ng SM Central Olongapo City, nagustuhan nila ang set-up ng Hybrid LCL Trade Fair lalo na ang mga produkto nito, bagama’t kabubukas pa lang ay pinag uusapan na umano sa upper management ang tungkol sa extension nito.

Sinabi naman ni DTI Bataan Prov’l Director, Nelin Cabahug sa kanyang mensahe, na ang nasabing trade fair, na sabay-sabay na binuksan sa iba’t ibang SM malls kasama ang lahat ng probinsya at siyudad sa Central Luzon, ay naglalayong i-promote ang mga produkto ng iba’t ibang lalawigan partikular na sa lalawigan ng Bataan at Zambales na ginanap dito sa SM Central.

Dagdag pa ni Cabahug na ang DTI ay hindi tumitigil sa paghahanap ng mga paraan para mabigyan ng pagkakakitaan ang ating mga small and medium entrepreneurs na unti-unting makapagbukas at makabangon ang kani-kanilang mga negosyo sa pinagdaraanang pandemya.

Samantala ayon sa mga exhibitors tulad ni Pamela Santos ng Beakris products ng Orani, talagang malaki ang nawala sa kanila nitong pandemya at natutuwa sila na sa pamamagitan ng mga ganitong trade fair, hindi lamang napo-promote ang kanilang produkto kundi kumikita rin sila,

Article Tags:
·
Article Categories:
Business · News

Leave a Reply

Shares