COVID-19 News

SMC nangako ng tulong para sa pagbili ng bakuna

0

Ito ang napag alaman ng 1Bataan matapos sabihin ni Mayor Charlie Pizarro ng Pilar, bilang Chairman ng Provincial Advisory Council sa pulong nito kamakailan na maraming malalaking pribadong kompanya ang nagnanais na tumulong sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19, at isa na rito ang San Miguel Corporation (SMC) na nag commit na sasagutin ang may kung ilang milyong pisong halaga ng bakuna para sa lalawigan ng Bataan.

Sinabi pa ni Mayor Charlie na naglaan na umano ang lalawigan sa pamumuno ni Gov. Abet Garcia ng P1Bilyong piso para sa pagbili ng bakuna, ngunit tila kukulangin pa rin kung kaya’t nagpapasalamat umano ang Gobernador na maraming malalaking kompanya tulad ng SMC na nais tumulong.
Ibinalita rin ni Mayor Charlie na marami sa atin ang takot sa bakunang mula sa China, kung kayat ang inorder umano ng lalawigan ay Moderna COVID-19 vaccine codenamed mRNA-1273 na mula sa Estados Unidos kung saan ang tumutulong sa atin ay ang kompanyang Zuellig Pharma.

Umabot umano sa 700 libo ang inorder na bakuna ng lalawigan ayon pa kay Mayor Charlie, para sa ating populasyon na 800,000 na kapag inalis umano ang bilang ng mga bata na 18 years old below ay natitiyak umano nila na magiging sapat ang bakuna para sa lahat.
Sa ngayon ay pinag-aaralan din umano sa kanilang mga core group meetings at maging sa mayors league meeting, kung papaano magkakaroon ng storage facility ang bawat bayan at kung saan ilalagak ang mga bakuna gayundin, ang pagbili ng lalawigan ng freezer truck para sa pagta transport ng mga bakuna sa mga vaccination areas upang mapanatili ang bisa ng mga ito.

Binigyang-diin ni Mayor Pizarro na lahat ay ginagawa ni Gov. Abet Garcia kasama ang mga punong bayan upang mapangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Bataeno laban sa COVID-19.

DTI Bataan bestows SSF to 13 cooperators

Previous article

100 Bataeno farmers graduate from SM Foundation Kabalikat sa Kabuhayan program

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply