banner

Tutok kalusugan, Mariveles Local Health Board

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Sa pagpasa sa Sangguniang Bayan ng Mariveles ng resolusyon ni Konsehal Ivan Ricafrente, na pagkakaroon ng Local Health Board sa kanilang bayan, layon nito ang tutukan at isulong ang mga pangunahing programang pangkalusugan para sa mga pamilyang Marivelenos.

Kamakailan sa pangunguna ni Mayor AJ Concepcion sa isang pulong ay sinimulan nang ilatag ang malalaking programa at proyektong pangkalusugan, partikular na ang mga ordenansang mag-aangat sa kalidad ng kalusugan ng mga mamamayan.

Ayon pa kay Mayor AJ Concepcion sa pagkakaroon ng ganitong ordenansa, malalapatan ng kaukulang pondo ang mga prayoridad na proramang pangkalusugan at ito rin umano ang laging sinasabi ni Gov. Joet Garcia, ang patatagin, palakasin at patibayin ang kalusugan ng bawat pamilyang Bataeño para humaba pa ang kanilang buhay.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares