Pawikan-inspired Christmas tree nakagayak ng ilawan
BALANGA City – Handa ng pailawan ang maganda at makabuluhang Christmas tree na napapalamutian ng mga replica ng pawikan hatchlings.
Kahit hindi pa sinisindihan ang mga ilaw ay kaakit-akit na ang Christmas tree na matatagpuan sa receiving room ng Bataan Tourism Center sa Balanga City.
“Gawa ito mula sa mga recycled materials. Basura na naging magandang Christmas tree dahil sa effort ng tourism office,” sabi ni Cora Banzon.













