Takbo para sa kapayapaan ng halalan

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Bukas sa lahat, kabilang ang mga pulitikong kumakandidato sa lalawigan ang ilulunsad na Run for Safe 2016 (Secure and Fair Election 2016) ng Bataan Police Provincial Office sa ika-23 ng April sa ganap na 4:30 ng madaling araw sa Plaza Mayor de Balanga.

Ayon kay P/Insp. Jennifer Cruz, Bataan PNP Information Officer layunin ng programa na hikayatin ang mga kabataan na tumakbo, na sasamahan ng mga kandidato para maipakita na walang kinikilingan at may pagkakaisa ang mga kapulisan.

Ang bawa’t kalahok ay maaaring mamili sa mga sumusunod na kategorya 3 kilometro, 5K at 10K na kung saan ang registration fee ay P250.00, 350 at P450 ayon sa pagkakasunod sunod.

Malaking bahagi ng pondong malilikom sa Fun Run ilalaan sa mga kababayan natin na nasa pangangalinga ng Bahay Pag-Asa Reformation Center sa loob ng Kampo Tolentino. Ito ang kauna-unahang naitayong reformation center sa buong Pilipinas sa inisyatibo ni Provincial Director Rhodel Sermonia at sa suporta ni Gob. Abet Garcia.

Nananawagan si Cruz sa lahat ng gustong lumahok sa naturang Fun Run na magparehistro sa loob ng Camp Tolentino Headquarters at hanapin si PCInsp. Ricardo Santiago Jr. o tumawag sa kanyanng cp.no. 09399412449/09052431490 para sa iba pang katanungan.