Dagdag na silid-aralan, matatapos na!

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Malapit nang matapos ang konstruksyon ng 2-Storey, 4 classroom building sa Cupang Elementary School, Cupang Proper ng lungsod na ito.

Ayon kay Engr. Jesus Mangalindan Jr., Planning Division Head, ang pondong ginamit sa pagpapatayo ng nasabing gusali, na isa sa mga priyoridad na programa ni City Mayor Fancis Garcia at mga opisyal ng Pamahalaang Lokal, ay galing sa Special Education Fund.

Sinabi naman ni Amelia Inieto, Principal lll ng Cupang Elementary School na nais nilang matapos agad ang kontruksyon ng paaralan para masabay sa kanilang taunang Brigada Eskwela sa darating na buwan ng Mayo 15 hanggang 20.

Ang ookupa sa bagong gusali na maglalaman ng 45 mag-aaral kada classroom o may kabuuang bilang na 192 pupils, ay ang mga grade ll pupils. Ang Cupang Elementary School ay may 1,657 mag-aaral.

Idinagdag pa ni Inieto na mangangailangan pa ng karagdagang pondo ang naturang eskwelahan para sa iba pang konstruksyon gaya ng extension ng covered court na nasa loob ng compound ng nasabing paaralan.