LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Hinangaan ng isang commercial bank lawyer ang mabilis na pagsulong ng ekonomiya ng ating lalawigan, pati na ang paglago ng mga small and medium scale enterprises (SMEs) sa dalawang industrial zones sa Bataan.
Ayon kay Atty. Jay L. Miranda, legal officer ng Metro Bank Head Office sa Makati City, na ang pagbabago ng ekonomiya ay resulta ng good governance at business friendly community na itinataguyod ni Bataan Governor Albert Raymond Garcia mula nang siya ay manungkulan bilang ama ng lalawigan noong 2013.
Sa kanyang pagbisita sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga City, at Hermosa, nakita mismo ni Atty. Miranda ang pag-unlad sa mga lugar na malapit sa Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), Limay Industrial Zone at Hermosa Economic zone na kung saan dumagsa ang mga skilled at semi-skilled workers sa mga itinayong pabrika at iba pang inprastraktura.
Labis na humanga ang Legal Officer ng Metro Bank sa socio-economic strategic development scheme ni Governor Garcia na kung saan maging ang mga dayuhang namumuhunan ay nahikayat na magtayo ng mga pabrika para sa export oriented products.
Sinabi pa ni Atty. Miranda na dahil sa naturang programang pangkaunlaran, maraming inilaang mga biyaya sa mga investors, tulad ng fiscal at nonfiscal incentives, stable and affordable water and power supply, availability of skilled manpower, at marami pang mga bagay na may kinalaman sa pagnenegosyo ang inilatag ng Pamahalaang Panlalawigan.