Share a Gift this Christmas 2018, isinagawa

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Walang kapantay na kasiyahan ang nadama ng mga batang kung tawagin ay special children sa isinagawang taunang Share a Gift this Christmas ng Organization of Concerned Citizens for Special Children, Inc. (OCCSCI) sa Dona Francisca Subdivision ng lungsod na ito nitong Sabado, ika-8 ng Disyembre.
Ayon kay Gng. Amelia C. Pruna, Presidente ng OCCSCI halos mag wawalong taon na nilang ginagawa ang ganitong proyekto para mapasaya ang mga bata sa iba’t ibang bayan sa lalawigan na karamihan ay nasa edad 3 pataas.
Sa maikling mensahe ni Provincial Engr. Enrico Yuzon, Chairman Board of Director ng OCCSCI sinabi niya na pag nakita mo ang mga batang ito talagang nanaisin natin na magandang regalo o kapanatagan ng kanilang mga kaisipan o kanilang pang araw-araw na buhay ang ating ibigay.
Dagdag pa ni Yuzon na, sana ay madama nila na ang Pasko ay araw ng pagbibigayan, at sana ang mga taong nakaluluwag ng kaunti sa buhay ay makita nila ang ganitong pangangailangan sayang ang pagkakataon na ang mga munting angel na ito ang dapat nating tulungan, sila ang dapat na makaramdam ng kalinga, at ipadama natin sa kanila na sila ay mahalaga para sa atin at sa ating lipunan”.
Nasa 200 mga bata, kasama ang kanilang mga magulang at guro, mula sa mga bayan ng Dinalupihan, Balanga Elementary School, Limay Elementary School, Orion, Bagac, Cabcaben, at Orani ang dumalo sa naturang programa
Pinasalamatan ng mga opisyal ng OCCSCI ang mga taong walang sawang tumutulong gaya nina Zoraida D. Lopez, Group Manager, De Guzman Group-Bataan at Miss Arvie Valencia & Family.