Ayon sa Pangulo, ang mga bansang nagpalitan ng putok ng baril noong panahon ng digmaan ay siya na ngayong nagtutulungan para sa kapayapaan at kaunlaran.
“ Iniwan na natin ang pagiging “ Sick Man of Asia” kaya ngayon ay kilala na tayo bilang isang “bright spot” sa pandaigdigang ekonomiya”.At ngayong araw na ito, ang Araw ng Kagitingan samahan niyo ako upang ihayag na ang Pilipino ay tumatayo para sa tama”.diin ni Aquino.
Ayon naman kay Japanese Ambasador Urabe, tuloy tuloy pa rin ang pakikipatulungan nito para sa pagpapanatili hindi lamang para sa kapayapaan ngunit para na rin sa pagpapa-unlad hindi lamang sa rehiyon ng Mindanao kundi sa buong bansa.