Sa ginanap na Water Summit 2026 nitong nakaraang March 23-24, 2026 sa Quezon City na inorganisa ng DENR- Environment Management Bureau Central Office, kinilala ang bayan ng Bagac, bilang Best Recreational Waterbody sa buong Region lll.
Ang nasabing Summit na may temang; “From Water Equity to Water Quality:Advancing Gender-Responsive and Science-based Water Management” na dinaluhan at personal na tinanggap ni Mayor Ron del Roasario ang plake ng karangalan kasama ang kanyang MENRO at mga kinatawan ng iba’t-ibang rehiyon, kung saan naging tampok ang technical discussion at exhibition booth na nagbahagi ng mga kaalaman at makabagong solusyon para sa mas epektibong pamamahala sa mga yamang tubig sa buong bansa.
Ayon kay Mayor Ron del Rosario ang nasabing pagkilala, ay isang patunay na patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Bagac sa pangangalaga at maayos na pamamahala sa yamang tubig.