LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Bukod sa 1.4 milyong piso halaga ng mga equipment na naipamahagi na, may nakaamba pang siyam na raang libong piso ang Department of Sciences and Technology DOST na ibibigay sa dalawa pa nitong beneficiary sa lalawigan ng Bataan sa susunod na mga buwan.
Ayon kay DOST Provincial Director Rosalie Ona, nagbibigay ang kanilang tanggapan ng technical assistance sa pamamagitan ng aqua fishery equipment, equipment sa paggawa ng boco pie, kagamitan sa paggawa ng bio gas, paggawa ng cassew nuts at sa dalawa pang nakalinya ang pag-imprenta ng mga t-shirt at bake shop.
Sinabi pa ni Ona sa programang Star na Ngayon sa Power Radio hindi lang technical assistance ang ibinibigay kundi mayroon ding Grant In-Aid Program ang DOST sa mga Local Government Units.
“Ang DOST ay nagprovide na humigit kumulang sa 700K pesos ng 2 units ng fiber glass rescue boats sa bayan ng Orion para magamit nila during disaster response at tulong na rin sa mga mangingisda sa kanilang pagpapatrolya o sa kanilang ginagawang rehabilitation sa mangrove areas at sa bayan ng Samal inintroduce namin ang vacuum size machine.” paliwanag pa ni Director Ona.
Dagdag pa ni Ona, tinatawag nilang Community Empowerment ang ganitong programa kung saan ang mga beneficiary nila ay ang mg LGUs at sila naman ang mag-iidentify ng grupo na hahawak at mag-iimplement ng project na ito.
“Aside from small medium enterprises gusto namin talagang mag level-up iyung operation ng SMEs kaya meron kaming tinatawag na technical consultancy sa mga manufacturing sectors na kung saan DOST ang maghihire ng consultant na babayaran nila para maimprove ang kanilang operation” dagdag na pahayag pa ni Ona.
Ang mga nabiyayaan sa mga programa ng DOST ay ang fish processor na si Linda Nap ng Pto. Rivas Balanga City, Montes Boko Pie, Robles Farm sa Abucay, Bagac Kasoy Making, Printing Press sa Orion, Bakery sa Orion, at sa Samal.