Abono at buto ng gulay, ipinamahagi sa Dinalupihan

DINALUPIHAN, Bataan – Pinangunahan ni Mayor Gila Garcia ang pamamahagi ng abono at mga buto ng gulay  sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Lando nitong ika-29 ng Enero sa Pagalanggang Elementary School ng bayang ito.

Ayon Kay Mayor Garcia umabot sa 2,000 sako ng fertilizer at buto ng gulay ang naipamahagi sa mga magsasaka sa tulong ng Lokal at Nasyonal na pamahalaan.

Sinabi pa ni Garcia na kahit na hindi umano miyembro ng mga samahan ng mga magsasaka ay pwede ring makinabang sa mga programang pang-agrikultura ng pamahalaan.

“Hindi dito magtatapos ang mga tulong ng pamahalaang lokal basta ituloy lang ninyo ang pagtatanim hindi lang ng palay, maging ng mga agricultural crops para sa ikapagtatagumpay at ikayayaman ng ating bayan”, dagdag pa ng butihing punongbayan.