ABUCAY, Bataan – Aabot sa P80 milyong piso ang inilaan na pondo sa itatayong Abucay Water District sa Barangay Calaylayan, malapit sa Roman Expressway, ng bayang ito. Pasisimulan ang proyekto pagkatapos ng halalan sa Mayo 9.
Ayon kay Mayor Ana Santiago ang proyekto ay sa ilalim ng tinatawag na Public Private Partnership kung kaya’t walang equity ang local government pero pwede nilang ipagamit ang lahat ng kanilang heavy equipment tulad ng pay loader, back hoe, grader, at dump truck.
Idinagdag pa ni Mayor Santiago na unang mabibiyayaan sa proyektong ito ang mga paaralan, mga residente ng Abucay pati na ang mga tanggapan ng pamahalaan.