LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Matagumpay na idinaos noong ika-21 ng Disyembre sa Emiliana Hall, Brgy. Tenejero ang year-end assessment ng mga barangay sa ikalawang distrito ng lalawigan na pinangunahan nina Cong. Joet Garcia at Vice Gov. Cris Garcia.
Maliban sa mga ulat at pagtataya sa mga proyekto ng mga opisyal ng barangay, ay naging pagkakataon na rin ito na magkaroon sila ng kaunting kasayahan kung saan ay ipinaabot din nila ang kanilang pasasalamat sa patuloy na suporta sa kanila ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.
Mensahe naman ni Cong. Joet sa mga dumalo na laging isa-puso ng bawa’t isa ang pagmamahalan, pagbibigayan at pagmamalasakit sa kanilang ka barangay,.
Idinagdag pa ng mambabatas na sa pagpasok ng bagong taon, lagi niyang susubaybayan ang mga programa ng mga magsasaka, mangingisda at iba pang mga sektor upang matulungan ang mga ito na lalo pang umunlad ang kabuhayan.