BPGAI tatanggap na ng mga OJT students

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa kauna-unahang pagkakataon ay tatanggap na ng mga graduating students mula sa mga paaralan sa lalawigan ang Bataan Poultry Growers Association Inc. (BPGAI) bilang mga trainees sa ilalim ng On the Job Training (OJT) program.

Ipinahayag ni Mary Tanjuan, pangulo ng BPGAI nang siya ay maging panauhin sa Power Radio, na tatanggap na sila ng OJT students mula sa Bataan Peninsula State University (BPSU) o alin mang kolehiyo sa Bataan na may kursong BS Agriculture.

Ayon pa kay Tanjuan, welcome sa kanila ang mga gustong mag OJT na kaya naman nilang I accommodate lahat dahil karamihan sa kanilang mga miyembro sa BPGAI ay mga bihasa sa pag-iingat at pag-aalaga ng manok.

Ani Tanjuan, mas magandang dito sila mag OJT imbis na sa ibang bansa dahil iba ang kilma at sistema ng pag-aalaga ng mga manok sa ibang bansa, kung kaya’t anumang matututunan nila doon ay maaaring di maging angkop dito.

Dagdag pa ni Tanjuan, ang 58 miyembro ng kanilang samahan ay sumasabay na sa globalisasyon at eventually ay makikipagsabayan na sila sa pag e export ng mga manok sa ibang bansa dala na rin ito ng magandang lokasyon ng Bataan, kung saan walang avian flu.

Samantala, ipinahayag naman ni BPGAI Vice-President Eric Hermoso na may mga miyembro silang nangangailangan ng Animal Science or Agriculture graduate para maging Farm Technician at Farm Supervisor, mangyari lamang makipag-ugnayan kay Ms Jojie Aguas sa kanyang telepono – 09224105348.