LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ni Provincial Director Nellin Cabahug kay Bataan PNP Provincial Director Atty. Benjamin Silo Jr. na mabigyan sila ng partisipasyon sa isinasagawang programa sa Bahay Pag-Asa Reformation Center sa lalawigan ng Bataan.
Ayon kay Director Cabahug, kung ang isang tao o grupo ng mga sumukong drug dependents ay na reporma na, maaari silang magbigay ng payo o magturo para makapagsimula ang mga ito ng kahit maliit na negosyo.
Idinagdag pa ni Cabahug na maaaring pumili ang mga surrenderees kung ano ang gusto nilang matutunan halimbawa umano cashew making, bamboo making, hollow block making at iba pang kasanayan na kaya ng kanilang tanggapan na mag-imbita ng mga tagapagsalita o tagapagsanay