Dahil sa maganda at maayos na pamamalakad at operasyon sa Freeport Area of Bataan (FAB) sa ilalim ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), madalas puntahan ito nang malalaking kumpanya para makita at “magaya” ang kanilang magandang sistema.
Pinakahuling pumunta kamakailan sa FAB ay ang Poro Point Freeport Zone sa pamumuno ni Josefa Catherine Bada, VP for airport management.
Ipinakita ng AFAB Enterprise Department ang kabuuan ng port regulation framework, strategic location, mga malalaking kumpanya, at mga oportunidad sa pamumuhunan ng iba pang investor. Ipinaliwanag din ng AFAB ang pinakamagandang paraan kung paano ang “access control and port operations.”