DINALUPIHAN, Bataan – Pinangunahan ni Father Jhoen Buenaventura kasama si Mayor Gila Garcia ng bayang ito ang pagbabasbas (blessing) sa bagong signage sa San Ramon Chapel na nagsasaad na “I Love San Ramon.”
Ayon kay Father Jhoen Buenaventura, hindi sinasadya na natapat ang pagbabasbas sa Miyerkules Santo, na sa homily ay tinatawag nilang “Spy Wednesday.”
Ayon pa kay Father Jhoen, uminog ang kwento ng pagtatatwa o pagtalikod dahil sa 30 piraso ng pilak pero ang Diyos ay buong puso pa ring nagbigay ng kanyang pagmamahal sa sangkatauhan at ibinigay ang kanyang buhay.
Sinabi ni Mayor Gila Garcia na ang nasabing signage ay konsepto ni Father Jhoen, idinesenyo ni Architect Alner Pablo at tinulungan naman ng pondo ng local government unit ng bayan ng Dinalupihan.
Dagdag pa ni Mayor Gila, ito ay alay nila sa mga taong nananampalataya kay San Ramon. Sinabi din ng butihing Mayor na bagamat sa batas ay sinasabing mayroon separation of church and state, imposible umano na kung mabuti kang kristiyano, ay hindi mabuting mamamayan, kung kaya’t ang proyekto ay malinaw na collaboration o partnership ng church at state/LGU.
Matapos ang makabuluhang misa, sinundan ito ng prusisyon para sa Miyerkules Santo.
Photo courtesy of Jhoen Buenaventura’s Fb page.