Libreng kasalan sa Hermosa, idinaos

HERMOSA, Bataan – Pitong pares ang ikinasal nang libre ni Mayor Jopet Inton nitong nakaraang linggo sa bayang ito.

Bago isinagawa ang seremonya ng kasal na idinaos sa tanggapan ng punong bayan, nagbahagi muna ang butihing Mayor Jopet ng pangaral tungkol sa pagpapamilya gaya ng pagkakaroon ng munting pamilya at paraan ng pagharap at paglutas sa mga suliranin at pagsubok na kinakaharap ng mga mag-asawa.

Pinayuhan din ng Punong Bayan ang mga ikinasal na magsama sila nang nagtutulungan, nagkakaunawaan at nagmamahalan.

Ilan sa ikinasal ay buntis na at ang iba naman ay mayroon nang mga anak, sila umano ay nagpakasal upang lalo pang tumibay ang kanilang pagsasamang panghabambuhay.