Low cost housing, sagot sa pagdami ng manggagawa sa FAB

MARIVELES, Bataan – Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng pamunuan ng lokal na pamahalaan ng bayang ito ang patuloy na pagdami ng mga manggagawa sa loob ng Freeport Area of Bataan (FAB).

Ayon kay Mariveles Mayor Ace Jello Concepcion patuloy ang pagdami ng mga kompanyang nais na magtayo ng kanilang negosyo sa loob ng FAB kaya naman tuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng mga manggagawa.

Sinabi ni Mayor Ace Jello na may dalawang opsyon ang mga manggagawa hinggil sa problema ng matutuluyan. Ito ay ang mangupahan o bumili ng unit sa mga itinatayong low cost housing projects malapit sa bayan ng Mariveles gaya ng Fiesta Communities sa karatig bayan ng Limay.

“Nagkasundo na kami nina Mr. Philip Anthony Tan, Sales Manager ng Fiesta Communities at ni Mrs. Katrina Gail Tan, Advertising Manager na magtatayo sila ng maraming units para maibsan ang suliranin ng mga manggagawa sa loob ng FAB” dagdag pa ni Mayor Concepcion.

Sa kasalukuyan mayroong humigit kumulang sa 36,000 mangagawa sa 127 kumpanya sa loob ng FAB.