Ayon kay Jojo minana pa niya sa kanyang ama ang naturang lugar na may lawak na 8.5 hectares at kaunting sakahan. Sa halos labimpitong taon na paninirahan dito, ang una nilang nagustuhan na mag-asawa ay ang peace and order situation hindi lang sa Pantingan kundi sa buong lalawigan.
Ang Resort ay may isang hall na may pitong mahahabang mesa at maliliit na mesa sa loob, bukod sa kubo na nakapaligid sa isang mahabang pool. Sa harapan ng mess hall may apat na kubo din na pwedeng tulugan ng isang pamilya. Nanggagaling ang tubig sa ilalim ng lupa kaya araw-araw malinis ang pool. Sinabi ni Jojo na plano nilang mag-asawa na dagdagan ang facility sa loob ng naturang Farm.
Sa ngayon, bukas ang Resort sa lahat ng gustong magsagawa ng mga pagdiriwang ng birthday, binyag, kasal, reunion o ano mang mahahalagang okasyon.