ARAW NG KALAYAAN IPINAGBUNYI SA BATAAN

Binuksan ang maikling programa sa pagpasok ng mga panauhin, mga punong taga pamahala ng mga sangay ng pamahalaan at mga pinunong halal ng bayan sa pangunguna ni Bataan Vice-Governor Efren Pascula Jr., mga Board Members at department heads,  kasunod ang pagpasok ng Pambansang Watawat sa pamamahala ng 305th CDC ng Phil. Army.

            Pagkatapaos ng Awit Panalangin na ginampanan ng mga kawani ng kapitolyo at pagtataas ng Pambansang Watawat, pinangunahan naman ni Provincial PNP Director P/Sr.Supt. Audi Atienza, (Panlalawigang Tagapatnubay ng Pambansang Pulisya ng Pamahalaang Bataan), ang Panunumpa sa Watawat, kasunod ang Panunumpa ng Lingkod Bayan na ginampanan ng isang kawani mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, Bataan.

            Sa kanyang madamdaming mensahe, binigyang diin ni Vice Governor Efren Pascual Jr. na ang ibat ibang kulay ng ating watawat ay sumisimbulo sa kasaysayan ng ating bayan. Dagdag pa ni Vice Gov. Pascual “ hindi sa paraan ng digmaan  nabububuhay, kundi sa paraan ng paglilingkod natin sa ating komunidad. Sana tulad ng sikat ng araw, magbigay din sa atin ng inspirasyon ang araw na ito.”

Binasa naman ni Atty. Aurelio Angeles Jr. Tagapangasiwa ng Lalawigan ang maikling mensahe ni Governor Albert Garcia na noo’y kapulong ang Kalihim ng Department of Education (DepEd) hinggil sa kapakanan ng mga Iskolar ng Bataan at mga guro.

Ipinaabot ni Governor Garcia na “sa tuwing ipinagdiriwang ang ating kasarinlan maraming damdamin ang sumasagi sa aking kaisipan una na rito ang paghanga sa lahing Pilipino”. Ikalawang damdamin ay ang pagmamalaki na “ako ay mula sa lahing Pilipino, lahing Bataeno. Ikatlo ay pagpapasalamat.

 Sa huli, hinimok ng Gobernador ang bawat isa na sundan ang yapak ng mga dakilang Pilipino tungo sa malawakan at permanenteng pagbabago, tulad ng kasarinlan na  tinatamasa natin.

Sa pagwawakas ng programa pinakawalan ang mga kalapati at lobo na pula, puti at asul bilang simbolo ng malayang Pilipino sa saliw ng isang makabayang awitin.