LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Kasado na ang Oplan Summer Vacation o SUMVAC ng Bataan Provincial Police Office na siyang aalalay sa ating mga kababayan at mga turista na magbabakasyon at magliliwaliw sa mga naggagandahang resorts sa ating lalawigan.
Ayon kay Provincial Police Director P/Sr. Supt. Benjamin Silo Jr. pamumunuan ng mga hepe sa bawa’t bayan ang isasagawang Oplan Sumvac na binubuo ng DPWH, DOH, Radio Group, Barangay iba pang mga grupo at ahensya
Sinabi pa ni Col. Silo na ang bawa’t grupo ay magbibigay ng serbisyo sa mga motoristang masisiraan ng sasakyan o makararanas ng aberya sa daan.
Ipinahayag pa ni Col. Silo Jr. na sisiguruhin ng pulisya ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan, motorista at bakasyunista.