Paglabag sa ‘Keep Right’ traffic rule, pinakamarami

Pinakamarami ang violations sa “Keep Right Except to Overtake” traffic rule at marami sa mga motorista ay walang alam sa simpleng traffic rules and regulations.

 

Sa ulat ng Metro Bataan Development Authority (MBDA) kay Bataan Gov. Joet Garcia, may kabuang 1,998 kaso ng paglabag sa batas-trapiko ang naitala ng naturang ahensiya sa loob ng unang tatlong buwan ng 2026.

 

 

Ayon sa MBDA, sa kabuuan, karamihan dito ay paglabag sa “Keep Right Except to Overtake.” Ito ay sinundan ng iba pang violations tulad ng sirang, tail lights, at walang helmet na motor rider.

 

Karaniwang dahilan ng aksidente sa Roman Superhighway ay paglabag sa “Keep Right” rule, ayon pa sa MBDA na regular na nagpapatrolya 24-oras sa kahabaan ng naturang highway.

Leave a comment