Pagmamahalan at pagiging matapat

PILAR, Bataan – “Pagmamahalan at pagiging matapat sa serbisyo sa bayan.”
Ito ang mga binitawang salita ni Pilar town Mayor Alice D. Pizarro sa kanyang ikatlong state of the municipality address (SOMA) noong Biyernes ng gabi kasabay ng switch-on ceremony ng Christmas lights sa munisipyo.
Sa kanyang humigit-kumulang na isang oras na talumpati sa harap ng mga residente, municipal employees at supporters inilahad ng mayora ang mga accomplishment sa kanyang termino gaya ng mga social and medical services, infrastructure, risk disaster management, persons with disability, employees’ welfare at iba pa.
Hindi alintana ng mga residente at supporters ang manaka-nakang pag patak ng ulan sa mahaba subalit makabuluhang talumpati na sunundan ng awarding of plaques of appreciation mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon pa kay Mayor Pizarro na nasa pangatlong termino, kailangan ang pagmamahalan, pagsusumikap at pagiging matapat sa serbisyo-publiko. Ito umano ang magpapaunlad sa bayan ng Pilar.