LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pormal nang nilagdaan ang Alliance Agreement sa pagitan ng 1Bataan Balikatan sa pangunguna ni Gob. Albert Garcia at Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa ilalim ng liderato ni Mayor Sara Duterte ng Davao City, nitong nakaraang Linggo sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.
Ipinaliwanag ni Gob. Garcia, na ang alliance ng Balikatan at Hugpong ng Pagbabago ay ang pagtitipon tipon ng mga indibidwal at grupo ng mga tao na naniniwala sa good governance. sa matibay na liderato, sa mas maunlad na buhay, mas mabuting kalusugan, mas magandang edukasyon dahil sa alliance na ito, lalong titibay ang ating adhikain na lalo pang gumanda ang ating buhay sa ating bayan.
Binanggit din ng goberndor ang ilan sa mga naipatupad na programa ni Pangulong Rodrigo Duterte gaya ng libreng edukasyon, libreng irigasyon, paglaban sa kurapsyon, pagsugpo sa ilegal na droga at ang “build build build proram” na lahat ay tungo sa kaunlaran.
Pagkatapos ng programa ay tumuloy sina Gob. Garcia at Davao Mayor Sara Duterte sa bayan ng Morong para sa taunang Pawikan Festival 2018.