Roque, Gatbonton, nanguna sa blood letting

LIMAY, Bataan – Pinangunahan nina Gng. Laiza Roque (Chairperson, Limay Tourism Council), Vice-Mayor Obet Roque at mga kapitan ng barangay ang isinagawang blood letting sa loob ng munisipyo ng Limay noong nakaraang Sabado.

Ayon kay Gng. Roque, sa tulong ni G. Charlie Gatbunton, (Administrator ng Bataan Red Cross) matagumpay na naisagawa ang pangangalap ng dugo sa kanilang bayan.

“Hiniling ko sa labindalawang kapitan na maghanap sila ng tig 30 katao sa kanilang nasasakupan na mag-alay ng dugo para mayroon kaming naka stock na dugo sa Red Cross kung sakali mang mayroon silang kababayan na mangangailangan ng dugo” pahayag ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na isa rin ito sa kanilang mga programa kaugnay ng centennial celebration ng LImay.

Ipinahayag pa ni Roque ang programang pangangalap ng dugo o blood letting ay lagi na nilang gagawin para agad-agad ay may makuha silang dugo para kanilang mga kababayan na mangangailangan nito.