Senior high school building sa Abucay, magagamit na!

ABUCAY, Bataan – Magagamit na ng mga Senior High School students sa susunod na taon ang isang gusali na may dalawang palapag at apat na silid aralan sa Barangay Calaylayan, ng bayang ito.

Ito ay isa lamang sa mga gusaling patuloy na ipinatatayo ng pamahalaang panlalawigan sa iba’t ibang bayan sa lalawigan upang matugunan ang pangangailangan ng Senior High School program ng DepEd, na isa sa mga priority projects ni Gob. Abet Garcia.

 

Ang dalawang ektaryang lupain sa Barangay Calaylayan na pinagtayuan ng nasabing gusali ay mula sa pamahalaang bayan ng Abucay.