Valdecañas, bagong presidente ng Councilors’ League

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nahalal bilang presidente ng Councilors’ League ng Bataan si Konsehal Noel Valdecañas, dating Vice-Mayor ng Lungsod ng Balanga, sa katatapos na 2016 Provincial Federation & City Chapter Election ng Bataan na ginanap sa Lou-Is Resort and Restaurant sa lungsod na ito, ngayong araw.

Ang iba pang mga bagong halal na opisyal na walang mga kalaban ay sina Konsehal Romano del Rosario ng Bagac-Vice-President; Arnold Soriano ng Dinalupihan-Secretary General; Rome Sicat ng Orani-Treasurer; Eriel Ibarra ng Limay-Auditor; Jayson Marcelo ng Abucay-PRO; at Teodorico Taba ng Morong- Business Manager.

Ang Board of Directors ay binubuo naman nina Konsehal Jernie Jett Nisay, Danilo dela Pena, Renato Bugay, Angelito Sunga, Victor Pizarro, Romano Lazarte, Rex Joseph Puster at Regalado Santos.

Ayon kay Konsehal Valdecañas, na sya na ngayong kinatawan ng mga Konsehal sa Sangguniang Panlalawigan, paiigtingin niya na masunod ang local legislation para malaman ng kanyang kapwa konsehal ang mga benipisyong dapat nilang makuha at makatulong din sa lahat ng mga programa ng ating Gobernador Albert Garcia sa kanyang 1Bataan.

Susuportahan din niya ang kampanya laban sa droga ng ating Presidente Rodrigo Duterte lalo na ang pagbibigay ng kaukulang pansin sa ating mga mahihirap na kababayan.

Kaugnay nito pinasalamatan ni Valdecañas sina Balanga City Mayor Francis Garcia; 2nd District Congressman Joet Garcia at Governor Albert Raymond Garcia at mga konsehal sa 11 bayan at isang Lungsod sa suportang ibinigay nila upang maupo sya bilang Presidente ng Councilors’ League ng Bataan.